top of page

TULA

 

Eto ang mga collection ng aking tula. Sana magustohan niyo! Pls! Do not Plagiarize. If gagamitin kayo. Make sure to contact me, Contact Tab is right there.

Kabataan at Babae

Patay na si maria clara 
Mas kilala si maria ozawa
Mga lalake na ang nagsasawa
Habang babae na ang nagnanasa

Wala na bang pagasa? 
na may babae pang birhen?
Kahit wala pang asawa?
Agad agad bubuntisin?

Ilang sanggol na ba namamatay, 
Ilang babae na ba ang nahahalay?
Mga babaeng matitino nadadamay
Luha ni eba naghahanap ng karamay

Nababaliktad ang mundo,
Mas nangingibabaw ang tukso
Ingat baka babae mong bunso
Bukas makalawa'y pinupunit nat nagdudugo

Masakit sa kalooban 
Nawawala na si eba sa katinuan
Madaling isuko ang bataan
At sasabihing ako nagmahal lamang

Walang masama sa pagmamahal
Pero isipin magulang kumakayod
Sa libro at lapis ka na lang magpahangal
Para mapalitan saya kanilang pagod

Dati sineskwela, hiraya manawari
Math tinik at bayani, pinapanood lagi
Ngayo'y sa eskwela, tawagan ay honey 
agad nagpadali, nagviral na si babae
Kalat na kalat na ang Rapbeh

Kung dati rati ang pencil ang natatasahan
Ngaun estudyante babae libre parausan
Dahil sa lintek na pagibig na libangan
Walang pakelamanan, basta lang masarapan
yan ngayon ang mga babaeng kabataan

Walang masama sa pagiging birhen!
Walang masama kung mahirap ka kunin!
Dahil babae ka at dapat mong alamin
Na di ka pang kama, isa kang SALAMIN

Na di pwede basta basta basagin 
Dahil pag nabasag, di na pwede ibalik
Kaya iwasan wag ibaba ang panty at hubarin
Kahit nagumpisa sa halik, jan sisimula ang pagka-sabik

Pag sila ay sinabihan tayo pa masasama?
Sisigawan pa ang mas nakakatanda!
Lalo nat kanilang ina't ama, 
Maglalayas bigla bigla, at manunumbat!
Sariling Bangko kanilang ibubuhat!
Sabay tutulo kunwari ang kanilang luha't,!
Pagbalik! DISGRASYADA na't! sa tulong ng magulang ay atat!

Akin sinulat! ang tula para pumukaw sa mga mapupusok!
Iwasan mong magaya sa kanila masyado nang natusok!
Planohin mo ang iyong pangarap sa buhay at don magpalugmok!
Dahil tyaga lang kelangan at possible ka makarating sa tuktok!

Kaya wag kang magmukmok 
kung sawi ka lagi sa pagibig
Punasan ang matang nanunubig 
Bata ka pa lang, Damhin ang himig, kaya marapatin bitawan ang lubid

Isa kang prinsesa, isa kang ginto!
Di ka dapat ginagago! Dapat sayo nireRESPETO!
kahit ikay inabot pa ng dese otcho
Dapat Alam mo ang halaga mo
Kahit di lang bilang isang babae! kundi bilang isang tao!
Dahil hindi ka ginawa ng bathala para gawing SALOSALO!

Kaya ika'y magisip isip at libangin ang sarili
Pagibig ay pwede, wag lang sobra!
baka sa huli magsisi...
Pinay ka! Hindi ka ibang lahi
Nananalaytay pa rin sa dugo mo
Ang dugo ni maria clara dati
Wag ka magpauto, 
Wag ka magpaloko
Gamitin ang talino
Sa mundong mapaglaro!
Dahil balang araw ay malalaman mo
Na Itong tula hatid ko sayo
Ay makakatulong hangga't mamulat ka't maging pamilyado
Bago maglaho dito sa mundo
Ng apoy! Kaya sa langit ka magpakasakto, Para sa diyos ka panalo!

TULA.jpg
Pasalamat ka

Ang daming gustong magpakamatay, Habang ung iba sa hospital nag-aagaw buhay

Ang daming umiiyak sa pagibig, Pero dami ding umiiyak dahil sa walang makain

Ang daming nagbubuntis pero nagpapalaglag, Habang ang daming mag-asawang di nagkakaanak

Ang daming nag rereklamo at tamad pumasok sa eskwela, Pero ung iba gustong gusto mag-aral kaso walang pera

Ang daming umiiyak dahil sa panget sila, Habang ung iba'y umiiyak dahil pilay sila

Napapansin mo ba? Bawat problema may mas malala pa?

Sa mundong ito, walang malakas, puro may hangganan diba?

Ang apoy akala mo malakas pero sa tubig walang binatbat

Ang tubig akala mo malakas pero sa ambon walang binatbat

Ang ambon akala mo malakas pero walang kawala sa hangin

Ang hangin akala mo malakas pero pag bundok di nia kayang liparin

Ang bundok akala mo matatag pero kaya gibain ng tao at gawa nilang material sa pamamagitan ng tulong tulong

At ang tao ba? kala mo sila na pinakamalakas? hindi dahil hahantong din sila sa kamatayan dahil kukunin sila ng panginoon

Ang panginoon?

Pasalamat ka tula
bottom of page