top of page

No Girlfriend Since Birth (One shot story)





Ako si Val. 28 years old. Bored sa buhay, Workaholic, Gwapo sabi nila at higit sa lahat ay mabait.

Galing ako sa mayamang pamilya kaya lang ay ayoko makihalubilo masyado sa kanila dahil sa na pasosyalan. Mas gusto ko magtago sa sarili kong anino dahil isa akong hamak na introvert. Naiinis din ako sa pamilya namin dahil Pakitaan ng gilas kung sino may mas madaming lupa at bahay. Gusto ko ay yung simple lamang.

Isa ako Architect dito sa abroad. Kasi gusto ko mag ipon para sa sarili ko at makaiwas sa mga gulo.

Iba pa rin pag magisa ka at may naiipon galing sa sarili mong pera at pawis.

Ako ay isang NGSB... No Girlfriend Since Birth, Tama kayo sa nababasa niyo. Pero hindi ko kinakahiya. Dati kasi ay nagmahal ako ng isang babae kaso binusted lang niya ako kaya takot na ako.

Tawagin niyo na ako Torpe, Tameme ay okay lang dahil mas gusto ko yun kaysa maging bastos o manlolokong lalake sa mga babae. Wala akong pakealam kahit humantong ako sa edad 40 basta lang sisiguradohin ko na ang mapapangasawa ko ay worth deserving para sa akin.

Sa sobrang pagka-gentleman ko din ay pinagkakamalan nila akong bakla pero impossible yun dahil never ako nagmahal ng gaya kong lalake.

Sabihin na lang natin na ako'y isang Asexual na tao. A man who is not attracted with both male and female species. Ngunit dahil relihiyoso ako at super good boy sabi ng mga kasamahan ko dito sa abroad ay baka kunin na daw ako ni Lord. Sana nga para umalis na ako sa mundong ito dahil nakakapagod na din mga romance romance na yan.

Hanggang sa dumating ang araw ng hatakin ako ng kaibigan ko lawakan ang pagamit ng gadget...

"Val, Sige na. Masaya to. Tumatanda ka na din. Malay mo at dito mo mahanap magiging future wife mo. Sa mga groupchat. Kaya Sali ka na.".

"Impossible, naniniwala pa ba kayo sa ganyan. Kalokuhan lang yan.".

"Oh ayan Val, kami na nag invite sayo dito sa gc! Halo halo na dyan. Puros pinoy mga nandyan. Val Pare, tumatanda ka na. Kailangan mo magka-girlfriend!". Tawa nila.

Kaya wala akong choice kundi subokan man lang pano gumamit ng Facebook Groupchat gamit ang cellphone ko.

Dumating ang araw na na-addict ako. Parang ibang mundo ang pinasukan ko. Hanggang sa makilala ko si Marjorie sa gc.

Kami lang din kasi ang tipong baguhan pagdating sa gc at walang alam sa mga flirting at kung ano ano pa. Tawag nga nila sa amin ay lipad ang utak.

.==~FB Messenger Convo~==.

Val >> Hi! Bago ka lang ba dito sa gc?

Oo. Di nga ako makasakay sa kanila. Pinilit lang din ako ng insan ko gumamit. << Marjorie

Val >> Taga saan ka sa atin?

Taga Cagayan. Kaw? << Marjorie

Val >> Maganda yan. Pareho pala tayo. Pero sa ngayon na nasa abroad palang ako. Taga Middleast.

Wow! Talaga! Gusto ko dyan pumunta. Gusto ko makasakay ng Camel << Marjorie

.---~End Conversation~---.

~~~

Simula nun. Nag private chat na kami at iniwan ang Group chat.

Na interesa ako kay Marjorie. Kasi lahat ng gusto niya, gusto ko din. Yung ayaw niya. Ayaw ko din at higit sa lahat. Pareho kami dahil NBSB o No boyfriend since birth din siya. Madami talaga kaming something in common.

Naging super close na kami kaya hiningi ko na din ang litrato niya.

Hindi naman siya tumanggi kaya ako din. Pinakita ko Litrato ko. Medyo gumaan loob ko nung sabi niyang cute ako. Dahil unang tingin pa lang sa pic niy-, parang gusto nang lumabas ng puso ko sa loob ng t-shirt ko.

Di ko alam kung baliw ako pero parang na love at first sight ako sa pic niya. Ganito pala pakiramdam. Ngayon ko lang naramdaman yung ganito sa buong buhay ko.

Mas ginanahan pa akong makipag chat sa kanya. Pagkagaling ko sa trabaho na pagod at galit dahil sa boss ko na arabo. Nakakapagpagaan ng loob ko pagkabukas ko sa laptop ko o kaya sa cellphone ko ay sasalubongin ako ng message niya. DI rin kasi siya nagsasawa makipag usap sa chat araw araw. Sarap sa pakiramdam na may taong may care sayo. 3 months na kaming ganun.

Kaya humingi na ako ng advice sa mga kasamahan ko sa apartment.

"Tol, may kailangan sana ako tulong sa inyo.".

"No yun val, halika kain tayo kabsa.". Sabi ng mga kasamahan ko.

"Pakiramdam ko kasi inlove na ako kaso sa mga babaeng di ko pa nakikita sa personal pero madalas ko kausap sa chat.". Bigla silang nagtawanan nung sinabi ko yun kaya medyo ako nainis.

"Seryoso ako mga tol. Ano ba? Tutulongan niyo ba ako?".

Di katagalan. Dahil mga kaibigan ko sila. Tinulongan nila ako.

Una kong ginawa ay hingin ang cellphone number ni Marjorie long distance. Pumayag naman siya hanggang sa tinawagan ko siya.

"Hello, Val Kaw ba yan?". Sagot niya sa tawag ko.

Nanginig na ako habang katabi ko mga kaibigan ko sabay minasahi nila ako pakiliti para asarin. Namuti na labi ko at pinagpawisan na ako ng malamig sabay sinagot siya pagkatapos ng ilang minuto pagka-freeze.

"Oo Marjorie. Teka lang medyo humihina linya.". Sabay binaba ko dahil sa takot at medyo nahilo ako sa hiya kaya nagsigawan ang mga kaibigan ko na parang nanalo sa lotto.

Tinawagan ko ulit. Eto nanaman siya sumagot.

"Val ok ka lang?". Ani ni Marjorie sa phone. Siguro dahil rinig niya ang malakas kong paghinga at panginginig ng boses ko.

Hanggang sa sinabi ko na. "Marjorie, pwede ba kitang maging girlfriend?". Kilig nanaman tong mga kasamahan ko tawang tawang pigil.

"Oo, Kasi mahal nga kita....". Mas lalo nanginig ang kamay ko hawak hawak ang cellphone.

"Kaso Val, Dapat makita muna kita bago kita sagotin. Ayoko kasi mag trust ng basta basta sa taong di ko pa kilala eh lalo na't sa chat lang tayo nagkakilala. Don't take it so mean.".

~~~

Simula nun. Agaran ako nagpaalam sa boss ko mag bakasyon sabay kuha ng passport ko.

Masayang masaya ako uuwi sa pilipinas para makita ang taong mahal na mahal ko. Hindi lang yon. Para makilala pamilya ni Marjorie at para na din ipakilala ko si Marjorie sa mga magulang at kapatid ko.

~~~

Heto na ako at sinundo ng pinsan ko sa Naia sabay punta sa hotel.

Di pa ako nakakapagpahinga at nakapagpalit ay nanggigil ako buksan muli ang cellphone ko ng makita ko nanaman ang text niya sa globe.

.==~FB Messenger Convo~==.

Val, Musta na. Miss na kita. Isang araw lang na di ka ka-chat ay parang naiiyak na ako << Marjorie

Val >> Andito na ako sa hotel. Wag kang sad. Talagang walang wifi sa iri. Kasi on flight. Ano na? meet tayo. (Bigla ako nakapag isip isip bakit nasabi ko yun. Ito pala ang feeling pag super inlove ka na at gustong gusto mo na makita ang taong mahal na mahal mo)

Baka pagod ka eh. Kakarating mo lang << Marjorie

Val >> Hindi. Wala yang pagod na yan basta lang ikaw makita ko. Ano? Ayaw mo? hehhe, Gusto ko sagutin mo na ako eh. Di na ako makapaghintay.

Hindi na kailangan sagotin ka kasi alam mo naman ang sagot diba? Gusto ko lang ay magkita muna tayo bago maging official na magkasintahan. Syanga pala Val. Sinama ko Pinsan ko na lalake. Sana maintindihan mo. Conservative kasi ang family ko. Alam mo na. Baka iba isipin nila kung tayo lang dalawa ang mag meet. << Marjorie.

Val >> Walang Problema. tuloy na tuloy na ha. I love you Marjorie! Salamat at dumating ka sa aking buhay

.---~End Conversation~---.

~~~

Hanggang sa nagkita nga kami sa mall. Ang ganda ganda niya. Maputi, kaso long sleeve at nakamaong. Siguro dahil conservative talaga siyang tao. Ganun pa din siya sa personal. Madaldal at masayang kausap.

Sarap titigan ng mga ngiti niya. Ako na ang nahihiya. Kahawig niya si Yam Concepsion.

Sa Jollibee lang kami kumain. Mabait din ang pinsan niya at kinukwento niya ako palagi.

Nang kami lang tatlo sa table. "Ay pare! Kalimutan ko. May lakad pala ako ngayon. Thesis namin ng groupmates ko. Maiwan ko muna sayo pinsan ko Val. Alam ko na pagkakatiwalaan ka.". Sabay hawak ng pinsan niya sa baywang ko.

Nang pag alis ng pinsan niyang lalake ay agad kami nagkatitigan ni Marjorie. Ang ganda ng kanyang mga mata at nang bigla kong hinawakan ang kamay niya ay agad niyang iniwas.

"Val, Ayoko muna. Gusto ko sana na pakasalan mo ako bago ang mga ganitong hawakan. Iba pa rin pag ganun mangyari. Hindi ko naman sayo pinagdadamot ang sarili ko pero don tayo sa tamang daan ng diyos.".

Napangiti naman ako sa sinabi niya. Hindi ko lang napigilan dahil ang kinis, lambot at napakaputi ng kanyang mga kamay. Mahal ko na siya at hindi alam ko na siya na. Handa rin ako maghintay.

~~~

Ginulat ko na lang siya nung nagpakita ako sa bahay nila sa tulong ng pinsan niyang lalake at nagpakilala sa mga magulang niya bilang boyfriend niya. Maganda ang pagtrato sa akin ng mga pamilya niya. Sinabi ko din sa kanila na papakasalan ko si Marjorie kaya nagsisimula na ako magipon sa abroad.

Ngunit paguwi ko sa bahay namin ay nagulat na lang ako.

"Val, may kinalolokuhan ka daw na babae sa may kabilang bayan. Hindi ka pa dumiretso sa amin?". Galit ni Inay.

"Oo, gusto ko sana siya pakilala sa inyo dahil papakasalan ko siya at magsisimula na akong mag ipon.".

"Huwat! Napagkasunduan na namin ng ama mo na ikasal ka kay Donna! Yung anak ng isang mayamang haciendero".

Mas lalo akong nanggalaiti sa sinabi ng aking ina. Gustong gusto nila ako i-parental marriage sa babaeng di ko man lang kilala.

"Ma, impossible yang sinasabi niyo at hinding hindi yan mangyayari. Wag kayo magalala. Papakasalan ko siya ng sarili kong pera. Si Marjorie. Hindi na din ako magpapadala pa ng pera dito kung sa inaakala niyo ay hawak na ninyo ako sa leeg. Lalayas ako at hindi niyo din makikita ni magiging apo niyo kay Marjorie pag kinasal kami. Ayoko pakasalan si Donna. Sa ayaw at sa niyo. Thats my decision. Kayang kaya ko kayo iwan alang alang kay Marjorie!".

Sabay umalis ako.

Kinuwento ko yun kay Marjorie at nalungkot siya habang nagvi-video call kami.

.==~FB Messenger Convo~==.

Val << Don't worry, hinding hindi ako makikinig sa kanila at mahihimasmasan din sila balang araw. ikaw lang ang papakasalan ko habang buhay at mahal na mahal kita.

Salamat. Ikaw din Val. Mahal na mahal din kita. Sana wag kang magbabago. >> Marjorie.

Val << Basta chat ka lang palagi sa akin. Walang sino man ang makakahadlang sa pagiibigan natin.

.---~End Conversation~---.

Dumating ang araw na kailangan ko na bumalik sa abroad dahil pinatawag na ako ng boss ko at gusto ko din mag ipon para kay Marjorie at sa future namin.

Nakabili na rin ako ng lupa para sa amin kung sakali na magpakasal kami at napakadami ang mga nasa isip ko na pangarap ko sa magiging pamilya namin ni Marjorie. Para bang walang hangganan.

~~~

Habang nasa abroad ako ay patuloy pa rin ang pag cha-chat namin o video call ni Marjorie.

Bago ako matulog, batian kami sa harap ng di gadget na cam o kaya ay sa chat hanggang sa pagka-gising hanggang sa hapag kainan. Natatawa pa ako dahil sa pagka-conservative niya. Ayaw niya ng kiss emoji. Kaya mas lalo ako nati-trigger. Sinimulan ko na din manood ng mga palabas na may halikan para matuto man lang sa first kiss namin na lagi ko ini-imagine.

Hindi makukumpleto ang araw ko pag hindi ko makita mga messages niya o makausap man lang at marinig boses niya. Yung kumustahan namin ay parang naging everyday routine na ng buhay. Di ako nababakantehan ng Load. Siya pampawi ng pagod ko sa opisina at lahat. Kinukwento namin sa isa't isa ano nangyayari sa buhay namin araw araw.

Dumaan ang dalawang taon ay ganun pa rin kami. Masaya daw siya at hindi ako tulad ng ibang lalake na habol lang ay sex o mga ganun na bagay. Sympre naman. Virgin pa ako at hindi mahilig manood ng malalaswang palabas.

Medyo na rin madami na ang naipon ko na pera. Kaya sinabi ko na sa kanya ay pag uwi ko. Hihingan ko na kamay niya at wala nang engage engage pa dahil papakasalan ko na siya.

Ngunit dumating ang araw na hindi ko inaakalang mangyayari.

Isang araw ay bigla siyang hindi na nag reply sa chat kaya nagalala na ako. Hindi ako mapakali. Parang nanginginig na ako sa takot. Ano kaya nangyari sa babaeng papakasalan ko.

Sinubukan ko tawagan si Marjorie pero out of reach ang cellphone niya kaya parang nababaliw na ang isip ko.

Yung tipong inaatake ako ng nervous at ang bilis ng pagtibok ng puso ko. Parang hihimatayin ako na di ko maintindihan.

Nang buksan ko ang facebook niya. Sa timeline niya ....

....ay nagulat na lang ako na nagpost ang pinsan niya at naka-tag siya sabing "Namatay si Marjorie sa aksidente pagkatapos mabangga ang van na sinasakyan niyang jeep.".

Di ako makapaniwala sa nababasa ko. Ang daming comment na nakiki-condolence sa post na yun.

Biglaan pumatak ang dose-dosena kong luha. Basag na basag na ang mga pangarap at lalo na ang mundo kong masaya palagi dahil sa kanya. Ang kaisa-isahang babae minahal ko sa buong buhay ko ay wala na pala.

Sa sobra kong pagkabigo sa buhay dahil sa sobra na-trauma na ang utak ko na kung kelan ako nagka-girlfriend ay kinuha na ng diyos ay Nag log out ako sa facebook account ko at deactivate ko na siya. Pati yung simcard ko ay itinago ko na at wala akong ginawa sa kwarto ko kundi umiyak na ng umiyak. Di na lumalabas.

Nabalitaan ng mga kaibigan o kasamahan ko sa Apartment ang nangyari. Natatakot na daw sila baka magpakamatay na ako dahil sa sama ng loob dahil sa ayaw ko nang kumain pa, at puro na lang ako kulong sa kwarto at pati trabaho ko naapektuhan na. Daig ko pa daw ang babae sa kadrama. Di kasi nila maintindihan.

Kaya pinayohan nila ako na umuwi na lang sa pinas at pakasalan na lang si Donna para maka-move on. Yung babaeng gusto ng mga magulang ko para sa akin.

Agad ko sila sinunod at umuwi sa pinas at tinanggap ang alok ng mga magulang ko na pakasalan si Donna kahit parental marriage.

~~~

Pagkatapos namin ikasal. Tinuring ko siyang parang prinsesa, Yung mga pangarap ko sana para kay Marjorie ay kay Donna ko na lang inilaan.

Bumili ako ng pangalawang Lupa at nagpatayo ng bahay namin hanggang sa natutunan na din ako mahalin ni Donna.

Ngunit dahil sa kahirapan ng buhay ay balik ulit ako abroad. Alam ko na masakit kay Donna dahil buntis na siya ay iiwan ko pero kailangan. Andyan naman ang Globe Telecom para sa transaction namin.

~~~

Hanggang sa dumating ang hindi ko inaasahan na pangyayari.

Nang pumunta kami ni Donna sa Jollibee. Pagkatapos ko siyang i-order ng pagkain.

Nagulat ako nang sa katabi namin na table. Isang grupo ng mga babae at biglang may pumunta sa kanila hawak hawak ang tray ng Jollibee at umupo. Hindi ko inaakala ang nakikita ng dalawang mata ko.

Si Marjorie, Ang ganda ganda pa rin niya. Yung ngiti niyang masarap tingnan na lagi nagpapatibok ng puso kk. Yung mga tingin niya. Pati yung boses niya habang nakikipagusap at tawa.

Buhay na buhay siya. Hindi ako namamalikmata! Kaharap lang namin ng asawa ko ang minahal kong babae sa buong buhay ko. Kaya para ako naging istatwa ng tiningnan niya ako at nginitian pa sabay nakipag usap sa mga kasamang babae na parang wala lang.

Kinausap ako ni Donna kung kilala ko sila dahil sa reaksyon ko. Hindi na lang ako nagsalita.

Pagdating ko sa bahay ay agad ko kinuha ang laptop ko pati yung dati ko na simcard.

Pagkabukas ko sa simcard ko. Ang dami niyang misscall sa akin.

Pinakamasakit sa lahat ay nung binuksan ko ang laptop ko at ni activate ko ang dati kong fb account at nabigla.

Ang dami niyang message sa akin. Hindi siya sumuko.

.==~FB Messenger Convo~==.

Val >> Marjorie, worried ako sayo. Ba't di ka makasagot!

Val >> Ano nangyari sayo! Pls reply!

Val >> Kakakita ko lang ng post ng pinsan mo. Miss na miss na miss na kita pero dapat ko na tanggapin na kinuha ka na ni god. Eto lang tatandaan mo. Ikaw lang ang babae na minahal ko kaya paalam. Ang sakit pero kakayanin.

Val! Asan ka na bakit di ka nagrereply >> Marjorie

Val, False news yun. Oo, naaksidente kami pero hindi ako namatay. Muntikan lang. Yung katabi ko sa jeep ang namatay. Nagkamali lang yung pinsan ko sa post niya at humingi din ng paumanhin sa mga naki-condolence. >> Marjorie

Val, Magreply ka. Pati sa tawag ay di na kita ma-contact. >> Marjorie

Val, I miss you. Ang hirap ng wala ka-chat. Hindi ko na kaya. Naiiyak na ako. >> Marjorie

Val, Kumusta ka na. Sana nakakain ka na. Wag ka pagutom ha! >> Marjorie

Good Morning val, lam ko na di mo to nababasa pero mahal na mahal kita. sana magreply ka na. >> Marjorie

I miss you na Val. Umaasa p rin ako nare-reply ka >> Marjorie

.---~End Conversation~---.

Araw araw ay nag me-message pala siya sa akin sa fb pero di ko alam dahil naka-on lang ay ang aking Facebook messenger pero deactivate yung facebook account ko.

Bumigay na lang si Marjorie nung nakita niya sa kapatid ko na kinasal na ako sa iba kaya ito ang last message niya sa akon via globe.

'Val, Alam ko na bakit di ka na makasagot. Dahil kinasal ka na pala sa inaakala mo na patay na ako. Nakita ko ang status mo pati pic ng napangasawa mo. Bagay kayong dalawa. Alam ko na masaya na kayo sa isa't isa kaya happy din ako sa inyo. Wag mo sana mamasamain. Wala akong sama ng loob sayo at sa nangyari dahil ito ang pinlano ng Diyos para sa atin. Hindi tayo para sa isa't isa at ito ang binigay na pagsubok sa akin ng diyos na pinadala ka niya. Kaya sana ay mahalin mo din ang asawa mo gaya ng pagmamahal mo sa akin. Wag mo na akong aalahanin. Ang mahalaga ay buhay ako kahit ang kapalit ay ang pakawalan ka dahil yan ang tinadhana sa atin. Mahal na mahal kita at salamat sa lahat. Kahit sa kunting sandali. Best Regards at congrats sa inyong magasawa. I-unfriend na kita sa facebook mo para focus ka na sa family. Alam ko na darating din ang araw na ibibigay din sa akin ng diyos kung sino talaga ang para sa akin. Sana ay wag mo sisihin ang kapalaran mo kung bakit di tayo nagkatuloyan. Dahil wala tayong karapatan magalit sa diyos. Paalam' -Marjorie

Ending song...

***

NO GIRLFRIEND SINCE BIRTH

COPYRIGHT © November 2018 by Dj_elsiebrande

Commentaires


bottom of page