top of page

The Good Girlfriend (One shot story)





Ako si Liezel, Ang babaeng bida sa kwentong ito..

Isang babaeng niligawan ng kaisa-isang lalakeng inibig ng tunay. I feel deeply inlove with this guy for six years.

Subaybayan niyo ang aking Kwentong pagibig sa lalakeng nagngangalang "Carlo".





Nakilala ko si carlo nung kumuha ako ng nursing na kurso. sa building namin sa unibersidad. Naging kaklase ko siya sa BS Nursing.

Una namin pagkakilala ay parang magaan na loob ko sa kanya..

"Miss, may ballpen ka? Kalimutan ko kasi yung akin". Yan ang di ko makali-kalimutan linyang una namin nabitawan sa isa't-isa.

Simula nun. nagkangitian kami. Hanggang sa naging mag bestfriend kami..

I found every secret he has been struggling. Mahirap ang pinagdaanan niya sa ex niya. The name of her Ex is 'Wincess'.

Yung bang ikaw ang nahihirapan dahil lagi naglalasing ang bestfriend mong lalake. Iiyak iyak palagi sayo. Tapos kwento ng kwento. Lalo na't hindi mo masikmura na kapwa mo babae ang manloloko sa lagay na yun. Kasi isa ka sa mga inosente at matitino babae na di kabilang sa kanila....

Sumama kasi sa iba si wincess at pinagpalit niya ang kaibigan ko.

Halos sinasamahan ko pa siya para lang suyuin ulit si Wincess.

"Wincess, Para sayo(rosas). Happy valentines, balikan mo na ako. Ang sakit sakit na. nababaliw na ako. di ko talaga kaya na mawala ka.".

"Diba ilang beses ko na sabihin sayo na may iba na akong mahal. Kung totoo mo akong mahal ay papalayain mo ako Carlo! Maawa ka sa sarili mo. Mag move on ka na! Nakaka 5 months na pagkatapos natin magbreak. Akala mo ba gusto ko yung ano nangyayari sayo ngayon?". Sabi ni Wincess.

Sabay sinampal ni Wincess sa kanya ang boquet ng rosas kay Carlo.


Bilang bestfriend ni Carlo masakit sa akin yun. naka 5 months na ganun pa rin siya.

Naging tahimik din ako at di masyado nakikisawsaw. But i tried my best to advice him the best I could give as a GIRL FRIEND(Kaibigang babae).

Kaya ako na ang kumilos kasi pati sa grades niya ay nawawala na siya dahil lang sa isang babae. I kept telling him madami pang babae jan sa tabi.

Nagpursigi akong patawanin siya tuwing malungkot siya. Tulongan siyang mag move on sa lahat. Pawiin ang Luha niya at higit sa lahat ay maging sandalan niya. Ipatanggap sa kanya na panibagong buhay na haharapin niya.

"Wag mo gawin mundo ang tao lang".

Di ako nabigo at napatino tino ko na din ang Utak ng bestfriend ko...

Binlock na niya sa lahat ng social media si Wincess. Di na siya naglalasing, Nagaaral na siya ng mabuti para lang sa mga magulang niya sa abroad. Kasi yan ang tanging paulit ulit ko sinasabi sa kanya.

Masaya na ako na makita lang siya nakangiti dahil tapos na misyon ko sa kanya. Kasi ganyan ako sa iba ko mga kaibigan. Kaya marami ding nagmamahal sa akin dahil sa ginintuan kong puso. Ayoko kasi na nakikita ko mga close ko na umiiyak o nagdudurusa.. its just my weaknesses in life kumbaga.

Dumating sa punto na hindi ko ini-expect na mangyari..


Makaraan ng isang taon ay ako nanaman ang niligawan ni Carlo.

Dahil din sa hindi ako easy easy at may mga pangarap sa buhay pinapahalagaan ang pagkababae. Pinaghintay ko siya ng isang taon. Gladly, Di din siya sumuko. Hatid sundo niya ako. Kumakain kami sabay. Never siya nagkulang like when i need him. He is always beside me. He treated my family as his. hanggang sa napunta kami sa punto na MUTUAL UNDERSTANDIN.

Hanggang sa makuha na niya ang matamis kong. "Oo"...

Mahal na mahal ko si Carlo. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. Siya ang pinaka first love at sinisigurado ko na siya na din ang last love ko dahil grabe kami magmahalan na tila wala makakapaghiwalay sa amin. Pareho kaming nagaalagaan. We care for each others well.

Nagsimula sa asaran ng tropa bilang love team hanggang sa naging totohanan talaga na naging kami na talaga.

Umabot sa punto na naka graduate na kami sa nursing sabay. Proud pa rin kaming, Going strong pa rin relationship namin. Umuwi din ang mga magulang niya abroad at nakakatulong siya sa kanila.

He told me. 'I am a gift from god and thanked me for being his inspiration in life'. Ang sarap pakinggan na tila nakakawala ng stress.

Kahit wala na kami oras sa isa't isa ay pilit talaga namin isingit ang time namin para sa isa't isa. Napamahal at napadikit din ako sa mga magulang at pamilya niya.

Parang ako ang pinakamasayang tao sa buong mundo simula nang makilala ko si Carlo. . .

Everytime I am with him, talagang napi-picture ko ang future ko sa kanya how he says na babangon kami ng bahay. magiging ama siya ng first baby ko. He is my everything. He is my air.


Time flies. After 2 years of being with him.

Sympre, di talaga natin inaasahan na madami problema darating sa isang relationship.


Sa una, naririnig ko lang sa mga kakilala. That my boyfriend is meeting up with his ex.

Yes, it's wincess. His ex for 7 years...

Nung una din, di ko pinapansin. Pero kumakalat na especially that it came from most of my concern friends and bestfriends.

Ang ginawa ko. I sneak into his facebook messenger. Logged in! and I was surprise. It was true. They were chatting.


However, nothings bad. He tells wincess na, kami na. mahal niya ako. Then wincess confess how she breaks up with her new boyfriend.

Sa tono ng pananalita pa lang ng boyfriend ko. He still seems loyal to me na she takes wincess as a friend only because he feels pity. Pero sympre masakit pa rin sa akin kasi nilihim niya.


So one day I confronted him.

"Carlo, Are you two going out again?".

"Huh!? Who?" sagot niyang may pagtataka.

"Wincess, May mga naririnig kasi ako na nakikipagkita ka nanaman sa kanya". I said to him in silent tone.

Ngumiti na lang siya. "Why? Are you jelous pangga?".

"Sympre naman. as your present girlfriend at alam ko history niyo. Talagang may mamumuong selos. I am just a human. Na nasasaktan din at may emosyon". sagot ko pero may halong ngiti. I am a very positive person so I handle it with calm reaction.

"Naaahhh.. Ok baby! to tell you the truth. Ok na kami. were talking to each other. she said sorry. I forgive her But were friends only. Nothing special". Sagot ni Carlo sa akin.

"Are you sure. Cause I am afraid to lose you. Di ko pa kasi nararamdaman maloko sa buong tanan ng buhay ko". sabi ko sabay tumulo luha ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo. "Same to me. Para mapanatag ang loob mo. mag meet up tayong tatlo. Ok ba yun?".

He started holding my hand and kiss it softly.


"Masakit kasi sa akin carlo na nilihim mo. I saw everything in your convo through facebook messenger". Ani ko. Di ko pa rin mapigilan at naluha kasi 2 years na kami.

Agad siyang tumayo at niyakap ulit niya ako at pilit pakalmahin. "Ayoko kasi na masaktan ka kaya nilihim ko muna. You're still open on stalking my facebook for you to know na wala akong ginagawang masama. I will never hurt the girl I love the most. Please trust me. magtiwala ka lang. wag kang nega. Ex will always be ex. Past is past at hindi mauulit ang dati".



Hanggang sa dumating din ang araw na tatlo na kami ang nagharap harap at nagkita.

Tapos pinakita niya kay wincess gaano niya ako kamahal. Kalmado din si wincess. mukhang moved on na siya kay Carlo.

She just return to make friends with us. Til we became friends too. We both shake hands and smile to each other's faces.


After that...

Naging tropa namin sa wincess. Kasa-kasama siya sa outing or any hang outs.

Maayos ang samahan and my relationship with my boyfriend gets stronger. Mas tumibay pondasyon namin dalawa as years pass by. . .


Tumagal ulit kami ng 4 years.

Mahal na mahal pa rin namin ang isa't isa ni Carlo. pero mas lalo kami naging busy dahil sa estado at career namin sa buhay.

Carlo plans on studying medicine so I let him be. Habang ako naman ay nagtatrabaho as a nurse sa isang hospital. Were doing this both just for our future daw.


Medyo sumikip ang orasan na minsan lagi siyang wala kasi nagpapractical sa iba't ibang lugar dito sa pinas.

However, pag free time siya. He never hesitate on seeing me and giving her best time with me.


We've been 6 years. Kaya nagkataon din dumating ang araw.

The day na false alarm kami.

He got me pregnant. Pero di ko balak sabihin sa kanya.

It was the day I am going to surprise him. kasi malapit na din ang 6th year anniversary naming dalawa.


Hanggang sa dumating ang araw na di na siya sa akin nagparamdam. ni text, tawag or magpakita man lang sa akin ay wala.

Sympre nabahala ako at worried. Lapit na din anniversary namin.

I was crying that it takes days for me to find him. Search for him. Nagaalala ano nangyari sa kanya! Tinanong ko mga kaibigan niya. di sila nagsasalita.

When I am asking his neighbor. Mukhang pinagtataguan ako ni Carlo.

Hindi ko maintindihan ano nangyayari...

Mas lalo ako natatakot sabihin na magkakaanak na kami. Pero his voice keeps repeating na when he say's 'magtiwala ka lang'.


But still,,

Gulong gulo na ako. kasi kung kailan 6 years na kami at magkaka-baby ay ngayon pa siya nagkakaganyan.

Minahal ko naman siya at naging mabuti akong girlfriend sa kanya. Never ako nagkasala. Inalagaan ko siya. We never argued a lot about something. Ok naman ang relationship namin while it last?

Lahat gusto niya binigay ko sa kanya...

I tried to track him still, Pati mga tropa at malalapit naming kaibigan wala din alam and they kept saying na baka busy lang kasi mahirap ang maging soon to be a doctor.


Hindi na ako mapakali. . .


Ako na mismo ang tumawag sa ate niya. I think this is a great idea and this is what my bestfriends advice me best.. Mas maganda na ma-contact yung family niya. Cause I know that they will give a honest and a complete answers.


Pero huli na ang lahat...

Nang Sinabi ng ate niya...


"Ate Liezel, didn't my brother tells you? akala ko nagbreak na kayo. . .

. . .Kasi yan ang sinabi niya sa amin. Nagaalala nga kami sayo, . . .

. . . andito kami lahat including carlo sa Hospital. . .


. . .dahil kakapanganak lang ni Ate Wincess ng first baby nila ni Carlo".

***THE END***

Ending Song

This story is based on true to life story

***

THE GOOD GIRL FRIEND

COPYRIGHT © April 2018 by Dj_elsiebrande

Comments


bottom of page